Hindi ako nag-agahan…
Hindi ako nag-tanghalian…
Gusto kong mag-mura! Kaso parang walang emosyon…parang walang pakiramdam kung isusulat ko lang siya sa pahina na ‘to!
Alam mo ba kung bakit gusto kong magmura?
Nakauwi kasi ako ng alas-siyete ng gabi na hindi man lang nag-tatanghalian dahil sa nakamamatay at nakaka-high blood na pag-e-edit ng letter para sa mga interviewee namin sa ‘ming thesis!
Gusto kong magmura!
Naka-dalawang beses kaming nag-re-print! Hindi namin maperpek ang sulat kaya hindi namin ma-please ang thesis adviser namin pati na rin ang Tagapangulo ng Departamento ng Komunikasyon!
Gusto kong magmura!
Para kaming tanga ng thesis partner ko! Ang punto ko lang naman e tama nang maayos ang grammar pati syntax ng sulat pati na rin ang pag-punto sa intensyon naming mga estudyante! Tama na para sa’kin ang sulat, e sa palagay ko naman ‘pag binasa ‘yan nung recipient e maiinitinidan n’ya naman! At malay ba natin kung anong taste nun at standards niya sa naiintindihan at hindi maintindihang sulat? Malay ba natin kung anong impressive sa kanya o hindi? At malay ba natin kung nakakaintindi pala siya o hindi? (joke!)
Ang nakaka-bad trip pa do’n, kailangan mo pang isulat sa kauna-unahang linya:
The Communication Arts Department of the College of Liberal Arts offers an undergraduate course in Communication Research II….
Gusto kong magmura!
Sulat lang! Naipalabas naman namin yung intensyon namin dun e napakaperpektita nung tagapanagulo na ‘yun!
Tang-ina!