Les(s)ions you could earn while you are in job hunting . . .

1. matutulala ka na lang. matutulala ka na lang dahil pagkatapos ng graduation at magdadalawang buwan na ay wala ka pang nakukuhang trabaho, at mapapatingin ka na lang sa kalendaryo n’yo sa sala o sa kuwarto mo o sa’n mang parte ng bahay niyo na antagal mo na palang “BAM” (tambay)! Sa kahuli-hulihan, matutulala ka at malulungkot sa dinranas mo ngayon.

2. desperate job hunters. Nagkakamali ka kung housewives lang ang pwedeng maging desperate…ba’t ‘di natin subukang ipares sa job hunters SLASH job seekers? Desperdo ka na talaga makahanap ng trabaho at kumita ng pera na tipong nakalimutan mong Labour Day pala at walang tao sa opisina na gusto mong pagtanungan kung may opening ba sila o wala (para sa katulad mo!).

3. makakalimutin. Malamang, sa kaiisip mo ng trabaho e makalimutan mo nang may iba ka pa palang problema – o ‘di naman kaya’y ma-divert ang atensyon mo sa ibang bagay gaya ng pang-uuto sa parents mo, sa kapatid mo o kaya sa tropapips mo! Halimbawa, mang-aarbor ka ng singsing, chokers at kung anu-anu pa…..

4. another les(s)ion gained. marerealize mo na hindi mo pala muna kailangang kumuha at makakuha agad ng trabaho na may kinalaman sa tinapos mong kurso. Bakit? (Tanong mo sa inaapplayan mo!)

Kung graduate ka ng Advertising Management, bakit hindi mo “muna” subukang mag-call center o kaya’y mag-apply sa isang fast food chain bilang isang trainee for a managerial position. Hihihi! Tunay ngang masaklap ang katotohanan pero baka malaman mo na lang sa banding huli na hindi mo muna talaga kailangang mag-apply ng trabaho na related sa tinapos mo no’ng college dahil isa pa, wala ng chance at iisipin mong masasadlak ka na lang sa kasalukuyan mong estado – tambay!

5. learn from your seniors. sa isang banda, ma-re-realize mo rin na may kabuluhan pala ang mga ‘words of wisom’ na sinabi sa’yo ng mga seniors mo no’ng nasa academe ka pa. Learn from the experts ika nga, pwede mong pagnilay-nilayan ‘yan bago ka maghanap at mag-apply ng trabaho.

6. magiging metikoloso/metikolosa ka. totoo. ingat ka sa pag-aaply….baka kasi yung sinasabi mong “pansamantala” na trabaho e maging career mo na in the near future, ouch! Ang sakit no’n! Yung tipong sinabi mo sa sarili mo na mag-co-call center ka muna habang hindi mo pa nakukuha yung gusto mong trabaho, pero ilang buwan o taon mula ngayon e may ‘career’ ka na sa industriya ng BPO.

//to be continued

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: