-Pi-na-quiao –

Ang galing ‘no?!!

Akalain mo ba namang sa loob lang ng dalawang rounds e napabagsak na ni Pacman si Hitman! Take note, tatlong beses n’ya pa napabagsak ang Briton.

Purong komento: Hindi ako “big fan” ng boxing at lalo na ni Manny Pacquiao, pero aaminin ko, nanonood ako ng laban ni Pacquiao no’ng high school pa ‘ko dahil sa isang napakasimpleng rason na lahat ng tao sa bahay e nag-aabang sa laban n’ya – alam mo kung ano ang ibig sabihin ng “tensyon!”

Tama.

Puno ng tensyon ang sambayanang Pilipino ‘pag si Pacman na ang umariba at malamang, pati ang bahay n’yo e minsan nang napuno ng tensyon, hiyawan, pagkagigil at kung anu-ano pang paraan ng pag-chi-cheer kay Pacquiao kahit hindi n’ya naman kayo naririnig sa Nevada.

Disclaimer: Hindi ko ‘to sinulat bilang pagsuporta kay Pacman o para suportahan pa ang mga gambler or kung sinu-sino pang mga politiko o kongresista na nagpupustahan kung si Pacquiao ba o ang kalaban ang mananalo.

Eto ang punto: Ano nga ba talaga?

Balik tayo sa “purong komento:” Nakakainggit si Pacquiao! Akalain mo ba namang dalawang rounds lang yung inabot ng laban pero sa dalawang round na ‘yun e 30 minuto ang inabot sa TV! Anak ng—

Ang galing ‘no? Hindi lang namakyaw si Pacquiao ng TF sa 55/45 na hatian (tama ba?) nila ni Hatton, e akalain mo ba namang kumita rin ang network na “kinabibilangan” n’ya dahil sa sandamakmak na advertisements na maya’t-maya ang flash sa TV screen – at sa totoo lang, nakakairita! Imbis na makita mo yung ringside o binti at hita nina Pacman at Hitman e sige naman ang flash ng kung anu-anong produkto sa TV screen mo.

Oo alam ko, ‘yan ang business ng advertising dito sa Pinas at paniniwalaan ko yung statement na nabasa ko sa isang Advertising book na sinabing: You can tell the ideals of a nation through its advertisements.

O ano, agree ka ba? E ang business ng mga TVC at ad campaigns dito e mukang desperado – yung tipong lahat ng publicity e gagawin para kumita. Kaya nga pinaglabanan ng ABS-CBN at GMA ang East & West Battle na ‘to e dahil sa milyon-milyong malilikom nila sa ad placement sa TV…..at tandaan natin, pera ang pinaglalabanan dito!

Ayun, sa kasikatan ni Pacman, hindi lang Broadcasting Networks ang nag-aagawan sa kanya, hindi lang sampung kumpanya ang gustong mag-place ng ad sa East and West Battle na ‘to, at hindi lang s’ya recording artist/professional boxer/actor/TV host, hindi lang ilang tao ang kumita sa laban n’ya, kundi pati si Pacman mismo, kumita sa lahat ng ito!

P.S.

Sa lahat na yata ng nasulyapan kong laban ni Manny Pacquiao e ito yung “parang” walang thrill – yun bang walang tensyon yung suntukan at basagan ng mukha sa ring. Akalain mo ba namang maya’t-maya mong yakapin yung kalaban sabay saka mo didikdikin ng suntok….ano ‘yon, boxing pa ba ‘yun? Away-kanto na yata ‘yon!

Mabuhay ang mga Pilipino!

Mabuhay ang mga naiinggit kay Manny Pacquiao!

Mabuhay ang mga pumupusta sa laban ni Pacman, mabuhaypumupusta sa laban ni Pacman, mabuhay!

clap! clap! clap!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: