Archive for November, 2009

ano sa tagalog ang ‘POLITICAL WILL?’

Anong meron sa buwan ng Nobyembre? Hindi ako susulat ng entry para gumawa ng summary o i-highlight ang mga pinakasikat na nangyari sa mga nakalipas na araw ngayong buwang ito, bagkus isusulat ko lang ang isang ‘di malilimutang’ tanong na narinig ko kanina lang….

Pero bago yun, ayoko mawala sa ala-ala ko ang mga bagay na ito…

Una, ang Pinoy boxer na comparable kay legendary Muhammad Ali
Pangalawa, our very own, fellow Caviteño na si Efren Peñaflorida na tunaguriang CNN Hero of the Year
Pangatlo, MAGUINDANAO MASSACRE…mukang mas matindi pa sa Davao Death Squad ang execution “nila”
Pang-apat, ang medyo sarkastiko pero malaman na tanong ni Bayani “BF” Fernando sa special ng GMA News and Public Affairs na pinamagatang Isang Tanong,
“ITO ANG AKING ISANG TANONG. ANO SA TAGALOG ANG POLITICAL WILL?”

Ikaw, alam mo ba?